Force Multiplier, nakiisa sa Barangay Anti-Drug Abuse Council at Barangay Peace and Order Council Symposium sa Bohol

Aktibong nakiisa ang mga Force Multiplier sa Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) at Barangay Peace and Order Council (BPOC) symposium na ginanap sa Barangay Tinangnan, Tubigon, Bohol noong ika-28 ng Abril 2025.

Isa sa mga pangunahing tinalakay ang Barangay Drug Clearing Program bilang bahagi ng patuloy na kampanya laban sa ilegal na droga. Gayundin, tinalakay ang mga programa ng gobyerno kontra terorismo, kriminalidad, pagnanakaw, cybercrime, at pambobomba. Pinagtuunan din ng pansin ang kampanya ng PNP sa ilalim ng Ligtas SUMVAC 2025 para sa isang maayos at ligtas na bakasyon ng mga mamamayan.

Bukod sa mga programang pangkapayapaan, inilahad din ang mga alituntunin kaugnay ng nalalapit na National and Local Elections (NLE) 2025. Kabilang dito ang pag-iingat laban sa paglaganap ng loose firearms, mga insidenteng may kaugnayan sa eleksyon, at ang pagpapakalat ng maling impormasyon o fake news. Ipinaalala rin ang kahalagahan ng permit sa kampanya, pag-iwas sa pagbili at pagbebenta ng boto, at pagbabantay laban sa presensya ng mga Private Armed Groups (PAGs), potential PAGs (PPAGs), Criminal Groups (CGs), at matitinding tunggalian sa pulitika.

Ang ganitong inisyatibo ay bahagi ng layunin na mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa bawat barangay. Sa pamamagitan ng aktibong partisipasyon ng komunidad at ng mga opisyal ng barangay, mas tumitibay ang ugnayan sa pagitan ng pulisya at mamamayan tungo sa isang mas ligtas na komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *