KKDAT, aktibong nakiisa sa isinagawang dayalogo sa Enrile Cagayan

0
viber_image_2025-04-28_16-07-07-936

Aktibong nakiisa ang mga  miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terosismo (KKDAT) sa isinagawang dayalogo na ginanap sa Enrile, Cagayan noong ika-26  Abril 2025.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Enrile Police Station na inaasahang palawakin ang kaalaman ng mga kalahok sa nasabing dayalogo.

Binigyang-diin ang kahalagahan ng responsableng pagpapasya, pagtutuon sa edukasyon, at ang paggawa ng matatalinong desisyon upang makamit ang isang maliwanag na kinabukasan. Tinalakay din sa naturang aktibidad ang mahahalagang paksa gaya ng Anti- Terrorism,  Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 , Road Safety Tips at ang masamang epekto ng ilegal na droga sa katawan.

Layunin ng aktibidad na bigyan ng kamalayan ang mga kabataan hinggil sa mga isyung kinakaharap ng lipunan, palawakin ang kanilang nalalaman ukol sa mga batas, at mahubog sila bilang responsableng mamamayan na nagsusulong ng kaalaman, disiplina, at maagang paghahanda para sa mas ligtas na kinabukasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *