Kadiwa ng Pangulo, isinasagawa sa Marinduque Expo Bagsakan Center 

0
viber_image_2025-04-29_10-26-26-423

Kasalukuyang isinasagawa ang Kadiwa ng Pangulo bilang bahagi sa selebrasyon ng Araw ng Manggagawa na ginaganap sa Marinduque Expo Bagsakan Center, Marinduque na magtatagal hanggal ika-3 ng Mayo 2025.

Pinangunahan ng Department of Labor and Employment (DOLE) Marinduque ang nasabing aktibidad katuwang ang Department of Agriculture (APCO), DTI Marinduque, OWWA, at iba pang konsernadong ahensiya ng pamahalaan.

Sa aktibidad na ito maaaring makabili ng mga murang gulay, prutas, at marami pang iba. 

Layunin nitong makatulong sa mga mamamayan sa pamamagitan ng pagbebenta ng mura at de-kalidad na pagkain at produkto, habang sinusuportahan din ang mga lokal na magsasaka at maliliit na negosyo.

Source: PIA Marinduque

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *