RPCADU 12, nagsagawa ng Information Drive Campaign sa estudyante ng STI College Koronadal

0
bbc2cf5b-72e4-4cf4-9e36-93242817a844

Nagsagawa ng Social Media Awareness at Anti-Bullying Lecture ang mga tauhan ng Regional Police Community Affairs and Development Unit 12 sa mga estudyante ng STI College Koronadal, KCC Mall of Marbel, Koronadal City, South Cotabato nito lamang ika-5 ng Mayo, 2024.

Sa isinagawang Social Media Awareness Lecture, ay ipinaliwanag ang mga importansya, at mga masama at mabuting maidudulot sa pag gamit ng Social Media application at paano suriin ang mga Balita kung ito ba ay totoo o “Fake News”, kung paano ma protektahan ang mga personal na impormasyon online at malaman ang kahalagahan ng respeto natin sa ating kapwa.

Layunin nito na mapalawak ang kaalaman ng mga estudyante sa tamang paggamit at maaring epekto ng Social Media at pambubully sa kanilang kapwa, at para narin maiwas ang mga kabataan na mapabilang sa mabibiktima ng Cyberbullying, Harassment at malinlang sa mga balitang peke na kumakalat na makakasira sa kanilang buhay upang magkaroon sila ng maganda at matagumpay na buhay sa hinaharap.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *