BADAC at BPOC Meeting, isinagawa sa Catigbian Bohol
Nagsagawa ng Joint Meeting ng ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) at Barangay Peace and Order Council (BPOC) Barangay Alegria, Catigbian, Bohol noong Mayo 11, 2025.
Dumalo sa pagtitipon ang mga kapulisan mula sa Catigbian Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Captain Bill Rico D Dupagan, Hepe Ng Pulisya.
Isa sa mga pangunahing tinalakay sa pulong ay ang pagpapatuloy ng kampanya laban sa ilegal na droga, kung saan binigyang-diin ang kahalagahan ng suporta ng barangay sa pagsugpo ng mga ito. Kasama rin sa mga tinalakay ang Anti-Terrorism at Insurgency Awareness, kung saan ipinaliwanag ang mga hakbang upang maprotektahan ang mga mamamayan mula sa banta ng terorismo at rebelyon.
Tinalakay rin ang NTF-ELCAC at Executive Order No. 70 na naglalayong tapusin ang armadong tunggalian sa bansa sa pamamagitan ng Whole-of-Nation Approach.
Layunin ng pulong na mapalakas ang ugnayan ng kapulisan at pamahalaang barangay upang mas maging epektibo ang mga programa para sa kapayapaan at kaayusan ng komunidad.