Force Multipliers, nakiisa sa security coverage sa Northern Samar 

Nakiisa ang mga Force Multiplier sa isinagawang security coverage sa mga itinalagang voting centers para sa National and Local Election 2025 sa iba’t ibang barangay sa Catarman, Northern Samar nito lamang Mayo 11, 2025.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Catarman Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Ryan C Doceo, Acting Chief of Police kasama ang mga tauhan ng Philippine Army, Barangay officials at Force Multipliers.

Ang mga grupo ay nagbigay ng seguridad at tulong upang matiyak ang integridad ng proseso ng elektoral kasunod ng matagumpay na final testing at sealing ng Automated Counting Machines (ACMs) sa iba’t ibang barangay sa loob ng area of responsibility.

Binigyang-diin ng kanilang pagtutulungang pagsisikap ang hindi natitinag na pangako ng PNP sa pagpapanatili ng ligtas, maayos, at kapani-paniwalang pagsasagawa ng 2025 National at Local Elections.

-panulat ni Patrolwoman Sherie-ann Masi

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *