Advocacy Support Group, pinagtibay ang laban Kontra Droga sa pamamagitan ng MADAC at BADAC Workshop

Bilang bahagi ng patuloy na kampanya laban sa ilegal na droga, matagumpay na isinagawa ng Advocacy Support Group mula sa Cabagan ang isang Municipal and Barangay Anti-Drug Abuse Council (MADAC/BADAC) Workshop nito lamang ika 15 ng Mayo, 2025 sa Cabagan Convention Center, Centro, Cabagan, Isabela.

Dinaluhan ng mga Punong Barangay at Barangay Secretaries, gayundin ng mga kinatawan mula sa Philippine National Police (PNP), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Municipal Health Office, Department of the Interior and Local Government (DILG), Local Government Unit (LGU) staff, Municipal Local Government Operations Officer (MLGOO), at iba pang katuwang na ahensya ng pamahalaan.

Layunin ng programa na pagtibayin ang mga estratehiya ng bawat barangay upang makamit at mapanatili ang drug-cleared at drug-free na estado ng kanilang mga nasasakupan.

Pagkatapos ng mga talakayan, isinagawa ang Workshop Proper at Feedbacking Session, kung saan masigasig na lumahok ang mga barangay representatives, PDEA, PNP, at LGU personnel. Tinalakay sa sesyon ang kasalukuyang kalagayan ng bawat barangay, mga hamon na kinakaharap, at mga konkretong hakbang na maaaring gawin para higit pang mapabuti ang pagpapatupad ng mga anti-drug policy sa kanilang lugar.

Natapos ang aktibidad na may mas malawak na kaalaman, matatag na direksyon, at mas pinatibay na paninindigan ng bawat kalahok upang sama-samang isulong ang adhikaing gawing ligtas at malaya sa droga ang buong bayan ng Cabagan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *