Clean-up Drive, isinagawa sa Bukidnon
Matagumpay na isinagawa ang clean-up drive ng mga tauhan ng MDRRMO at MENRO sa Pangantucan, Bukidnon nito lamang ika-19 ng Mayo 2025.
Kaagapay sa paglilinis ng naturang grupo ang iba’t ibang LGU ng Pangantucan, mga residente, at barangay tanod.
Sako-sakong mga basura ang nakuha, tulad ng mga campaign materials, posters, tarpaulins at flyers ng mga tumakbong kandidato noong nakaraang eleksyon.
Layunin ng aktibidad na mapanatili ang kalinisan at kaayusan sa lugar at hikayatin ang mga mamamayan na maging responsable at makiisa sa mga aktibidad para sa kalinisan ng kapaligiran.
