VAWC, Safe Spaces Act at kampanya kontra ilegal na droga, tinalakay sa Youth Camp sa DavSur

Sa layuning mapalawak ang kaalaman at kamalayan ng kabataan sa mga isyung panlipunan, matagumpay na isinagawa ang isang lektura at dayalogo sa mga miyembro ng kabataan kabilang sa Jesus Is The Way of Life World Mission Incorporated noong Mayo 19, 2024 sa Barangay Enilo, Sta. Cruz, Davao del Sur.

Pinangunahan ng Regional Police Community Affairs and Development Unit 11 (RPCADU-11) ang naturang aktibidad sa pangunguna ni Patrolwoman Sarah-Vem L Batomalaki, sa ilalim ng superbisyon ni Police Lieutenant Colonel Julius A Borja, Officer-In-Charge.

Ang naturang lektura ay bahagi ng 3-araw na Youth Camp na inisponsor ng nasabing simbahan.

Tinalakay sa programa ang ilang mahahalagang usapin kabilang na rito ang VAWC, Safe Spaces Act at Kampanya kontra ilegal na droga.

Sa kanyang mensahe, hinikayat ni Pat Batomalaki ang kabataan na maging aktibong kalahok sa mga adbokasiya para sa kapayapaan at kaayusan.

Aniya, mahalaga ang papel ng kabataan sa pagbubuo ng isang progresibong bansa, at dapat maging tagapagtaguyod ng positibong pagbabago.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *