Opisyales ng Barangay, nakiisa sa BADAC Meeting sa Cebu
Aktibong nakiisa ang mga opisyales ng Barangay sa buwanang pagpupulong ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) sa Barangay Poblacion, Santander, Cebu, noong ika-21 ng Mayo 2025.
Pinangunahan ito ng mga tauhan mula sa Santander Municipal Police Station sa ilalim ng direktang pamumuno ni PMaj Mariejin E. Calunod, kasama si Hon. Rolando Bureros, ang BADAC Chairman ng barangay. Ang nasabing aktibidad ay naglalayong pagtibayin ang ugnayan ng barangay at kapulisan sa pagsusulong ng kaayusan at kaligtasan sa komunidad.
Tinalakay sa pagpupulong ang mga pangunahing isyu na kinakaharap ng barangay kabilang ang kampanya laban sa iligal na droga, kasalukuyang estado ng krimen at mga hakbang upang ito’y maiwasan, gayundin ang mga programa ng LIGTAS SUMVAC 2025.
Nagkaroon din ng malayang dayalogo kung saan naipahayag ng mga mamamayan ang kanilang mga saloobin at mungkahi patungkol sa kapayapaan at seguridad sa lugar.