Faith-Based Leaders, nagsagawa ng Coordination Meeting para sa paparating na Pentecost Celebration sa Northern Samar
Nagsagawa ang mga Faith-Based Leaders ng Coordination Meeting para sa paparating na Pentecost Celebration na gaganapin sa Munisipyo ng Bobon nito lamang Mayo 21, 2025.
Kasama sa pulong si Hon. Reny A. Celespara, Local Chief Executive, at dinaluhan ng mga punong tanggapan ng LGU Bobon, gayundin ng mga punong barangay ng Poblacion area at mga tauhan ng Bobon Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Captain manuel B Tadeo Jr., Acting Chief of Police.
Ang collaborative session ay naglalayong tiyakin ang maayos at matagumpay na pagsasagawa ng kaganapan sa pamamagitan ng coordinated efforts at shared responsibilities ng mga stakeholders.