BPATs, nakiisa sa isinagawang dayalogo ng Enrile MPS

0
b24c4e0b-fed7-4498-a2e0-d96fed63d0af

Aktibong nakiisa sa isinagawang dayalogo ng Enrile Police Station ang mga miyembro ng Barangay Peace Action Team (BPAT) at mga opisyal ng Barangay San Antonio Enrile, Cagayan noong ika-24 ng Mayo 2025.

Pinangunahan ni Police Corporal Jeny Tess M Parallag, Patrol PNCO ng Enrile Police Station, Cagayan Police Provincial Office, ang naturang aktibidad na naglalayong palawakin ang kaalaman ng mga barangay opisyal at BPATs sa tamang pagpapatupad ng seguridad sa kanilang nasasakupan.

Sa nasabing aktibidad, tinalakay ang iba’t ibang estratehiya sa pagpapanatili ng kapayapaan, pag-iwas sa krimen, Anti-Illegal Drugs Campaign, ang mapanlinlang na recruitment ng mga CTG para sa pagsuporta ng NTF-ELCAC at ang Ordinansiya ng nabanggit na lugar upang maprotektahan ang publiko laban sa iba’t ibang banta sa seguridad.

Binigyang-diin din ang kahalagahan ng agarang pag-aksyon at epektibong koordinasyon sa pagitan ng barangay at kapulisan sa pagtugon sa mga insidente. Samantala, layunin ng PNP na patuloy na magbigay ng kaalaman sa pamamagitan ng ganitong mga aktibidad upang mapalakas ang ugnayan ng pulisya at komunidad, mapaigting ang seguridad, at mapanatili ang kapayapaan sa bawat barangay.

Source: Enrile MPS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *