2nd Anniversary ng Kasangga Peacekeepers Brotherhoo and Sisterhood Inc. Kabasalan Chapter, isinagawa

Matagumpay na naisagawa ang ikalawang anibersaryo ng Kasangga Peacekeepers Brotherhood and Sisterhood Inc., Kabasalan Chapter sa Bayan ng Kabasalan, Zamboanga Sibugay nito lamang ika-25 ng Mayo 2025.

Pinangunahan ng Kabasalan Municipal Station sa pamumuno ni Police Captain Romualdo L Puig III, Officer-In-Charge ng Kabasalan MPS, katuwang ang Kasangga Peacekeepers Brotherhood and Sisterhood Inc., Kabasalan Chapter.

Pinaabot naman ni PSSg Irene P. Tesoro, C, MCAD PNCO, ang mensahe na kanyang binigyang-diin ang taos-pusong pasasalamat ng Philippine National Police (PNP) sa mahalagang ambag ng organisasyon sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad.

Partikular nitong pinuri ang ipinamalas na suporta, pagkakaisa, at pakikipagtulungan ng grupo.

Sa kanyang panawagan, hinikayat niya ang patuloy na kooperasyon, lalo na sa paglaban sa ilegal na droga at kriminalidad, upang masiguro ang kaligtasan at katahimikan ng mamamayan.

Layunin din ng aktibidad na higit pang pagtibayin ang ugnayan sa pagitan ng PNP at mga kasangga sa pamayanan, at palakasin ang sama-samang pagkilos laban sa ilegal na droga at kriminalidad para sa isang ligtas at mapayapang bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *