Barangay Peace and Order Talk, isinagawa sa Tanza, Cavite

Nagsagawa ng Barangay Peace and Order Talk sa Barangay Amaya III, Tanza, Cavite nito lamang Martes, ika-3 ng Hunyo taong kasalukuyan.
Pinangunahan ang aktibidad ni Pat Dinmoor Ybañez, PSB, sa pamumuno ni PLtCol Al-Rieza S Kinang, Acting Chief ng Tanza Municipal Police Station, kasama ang mga Barangay Officials at Barangay Tanods ng nasabing lugar.
Pinag-usapan ang peace and order situation sa lugar, Crime Statistics, Crime Prevention at gayundin ang pagpapalakas ng ugnayan ng kapulisan at force multipliers sa nasasakupan.
Ang ganitong uri ng aktibidad ay nagpapakita ng layunin na mapalakas ang ugnayan at pagtutulungan ng ating kapulisan at ibang ahensya upang patuloy na maisulong ang mga serbisyo at programa na inilalatag ng pamahalaan para sa mga mamamayan.
Source: Tanza Pnp