KKDAT Buenavista, aktibong lumahok sa CASANAG 2025 Youth Lecture ng PNP
Masigasig na lumahok ang mga kasapi ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo sa isinagawang CASANAG Youth Lecture sa bayan ng Buenavista sa Guimaras nito lamang ika-22 ng Hulyo 2025.
Ang naturang lecture ay bahagi sa kampanya ng PNP laban sa kriminalidad kasabay ng pagdiriwang ng 30th PCR Month na pinangunahan ng Buenavista Municipal Police Station sa pamumuno ni PCPT RENE C MERCADO, Officer-in-Charge, sa Barangay Cansilayan ng nasabing bayan.
Ang naturang aktibidad ay isinagawa sa ilalim ng programang CASANAG 2025 na may temang “Youth Called, Chosen, and Strengthened for a Purpose”, na may layuning hubugin ang kabataan bilang aktibong katuwang ng pamahalaan sa pagsusulong ng kapayapaan, kaligtasan, at disiplina sa komunidad.
Tinalakay sa lecture ang mga mahahalagang paksa tulad ng Anti-Terrorism, Kampanya Kontra Ilegal na Droga, Safety and Security Tips, at Anti-Criminality Awareness.
Sa pamamagitan ng makabuluhang diskusyon, naipabatid sa mga kabataan ang kahalagahan ng kanilang papel sa pagbabantay at pagpapaigting ng seguridad sa kanilang barangay.

Pinuri naman ng Buenavista MPS ang masigasig na partisipasyon ng mga KKDAT members, na patunay ng kanilang dedikasyon bilang mga kabataang may malasakit at responsibilidad sa bayan. Isa itong patunay na ang kabataan ay hindi lamang pag-asa ng bayan, kundi katuwang na rin sa pagsugpo ng kriminalidad at pagtataguyod ng isang mapayapang lipunan.
Ang aktibidad na ito ay bahagi rin ng mas pinalawak na estratehiya ng PNP upang mapanatili ang pagbaba ng antas ng krimen at mapalakas ang ugnayan sa komunidad, lalo na sa hanay ng kabataan.
Sa pagtatapos ng aktibidad, muling pinagtibay ng Buenavista MPS ang kanilang paniniwala na sa tulong ng kabataang KKDAT, na may sapat na kaalaman, tapang, at malasakit, mas mapapalakas ang laban kontra krimen at mas maisusulong ang adhikain ng isang mapayapa, ligtas, at maayos na komunidad.
Source: Buenavista MPS FB Page