Mga mag-aaral, nakiisa sa Symposium Activity sa NIR
Masayang nakiisa ang mga mag-aaral mula sa Mabinay National High School sa makabuluhang Symposium Activity na isinagawa noong ika-24 ng Hulyo 2025.
Ito ay sa pangunguna ng 704th Maneuver Company, RMFB NIR, sa ilalim ng direktang superbisyon ni PMAJ JOHN REMO O. EVANGELIO, Acting Company Commander.
Tinalakay sa symposium ang Anti-Terrorism Program ng kapulisan bilang suporta sa layunin ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (EO 70).
Bukod dito, isinama rin ang kampanya kontra iligal na droga kung saan ipinaliwanag ang nilalaman ng RA 9165—mga parusa at masamang epekto ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot.
Isa ring mahalagang paksa ang Anti-Bullying (RA 10627), na naglalayong ipabatid sa mga mag-aaral ang kanilang mga karapatan laban sa anumang uri ng pang-aapi sa paaralan.
Ang aktibidad ay naging daan upang mapalawak ang kaalaman ng mga kabataan at lalong mapatatag ang ugnayan sa pagitan ng Department of Education at Philippine National Police.
Bahagi ang naturang aktibidad sa pagdiriwang ng 30th Police Community Relations Month na layuning mas mapalapit ang kapulisan sa komunidad.
Sa Bagong Pilipinas, ang pulis ay hindi lamang tagapagpatupad ng batas kundi tunay na kakampi sa kaayusan, edukasyon, at kapayapaan.