Coastal Clean-up drive, isinagawa sa Tanza, Cavite

Isinagawa ang Coastal Clean-up Drive sa tulong ng mga mamamayan, Advocacy Support Group at awtoridad na ginanap sa Coastal Area ng Barangay Capipisa, Tanza, Cavite nito lamang Sabado, ika-7 ng Hunyo 2025.

Kapit-bisig na naglinis ang mga grupo sa pangunguna ng SM Tanza Management katuwang ang mga tauhan ng Tanza Municipal Police Station, sa pamumuno ni PLtCol Al-Rieza S Kinang,Acting Chief, BFP, Coastguard, MENRO at Force Multipliers Advocacy Support.
Tinatayang nasa 15 sako ng iba’t ibang basura ang nakolekta ng mga naturang grupo sa nasabing lugar.
Ang layunin ng aktibidad ay hikayatin ang mga tao sa komunidad na makipagtulungan sa pangangalaga at pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran. Nagpapakita lamang ito ng malasakit sa kapwa at ng ating kapaligiran.
Source: Tanza Pnp