Barangay Tanod, pinalakas sa pamamagitan ng Enhancement Seminar sa Bacolod City

Matagumpay na isinagawa ang isang Barangay Tanod Enhancement Seminar on Peace and Order and Public Safety para sa mga Tanod ng Barangay Tangub, na pinangunahan ni PMSg Warren L Clomata, CAD PNCO BCPS 8, sa ilalim ng pamumuno ni Police Captain Greeky P Cayao, Officer-in-Charge, sa Barangay Tangub, Bacolod City, nito lamang ika-13 ng Hunyo 2025.
Layunin ng seminar na bigyan ng mas malalim na kaalaman ang mga Barangay Tanod ukol sa kanilang tungkulin at pananagutan sa komunidad.
Kabilang sa mga tinalakay ay ang tamang pagprotekta at pagpreserba ng crime scene, crisis management, at emergency response, bahagi rin ng pagsasanay ang warrantless arrest procedures, rescue operations para sa mga menor de edad, at mga basic self-defense at handcuffing techniques.
Mahalagang bahagi ng seminar ang pagbibigay-diin sa legal at makataong pagresponde sa mga sitwasyon upang matiyak ang kaligtasan ng publiko at respeto sa karapatang pantao. Sa pamamagitan ng ganitong pagsasanay, mas pinatatag ang kakayahan ng mga Tanod upang maging epektibong katuwang ng pulisya sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa barangay.
Ang ganitong inisyatibo ay patunay ng pagtutulungan ng kapulisan at pamahalaang barangay para sa mas ligtas, disiplinado, at maayos na komunidad.
Source: Bacolod PS Eight