11 Kalahok sa Rehab Program ng Danao City, Cebu, matagumpay na nagtapos

0
viber_image_2025-07-02_14-19-41-149

Masigasig na dumalo ang mga tauhan ng Danao City Police Station sa seremonya ng pagtatapos ng Community-Based Drug Rehabilitation Program (CBDRP) na isinagawa ng Danao City Anti-Drug Abuse Council, noong ika-30 ng Hunyo 2025.

Nanguna sa nasabing aktibidad si PLTCOL HENRIX P. BANCOLETA, ang hepe ng
Danao City Police Station.

Ang simpleng seremonya ay idinaos bilang pagkilala sa labing-isang (11) reformist mula sa Barangay Maslog, Danao City, na matagumpay na nakatapos ng programa.

Ang CBDRP ay isang lokal na inisyatiba na layuning bigyan ng pangalawang pagkakataon ang mga dating nalulong sa ipinagbabawal na gamot. Sa pamamagitan ng masinsinang rehabilitasyon, counseling, moral at spiritual guidance, skills training, at suporta mula sa komunidad, muling binibigyang pag-asa ang mga reformist upang makapamuhay ng marangal at may saysay sa lipunan.

Ang pagtatapos ng mga reformist ay hindi lamang pagtatapos ng isang programa, kundi simula ng panibagong yugto ng kanilang buhay. Isa itong patunay na sa Bagong Pilipinas, posible ang tunay na pagbabago at muling pagbabalik-loob sa lipunan sa tulong ng pagkakaisa at malasakit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *