Learning kits, ipinamahagi sa mga benepisyaryo ng Walang Gutom Program (WGP) mula sa Tara, Basa! Tutoring Program (TBTP)

0
viber_image_2025-07-02_15-04-34-841

Bilang bahagi ng adbokasiya ng ahensiya na isulong ang mas malusog at matalinong mamamayang Pilipino, mahigit 2,095 na learning kits ang ipamamahagi sa mga benepisyaryo ng Walang Gutom Program (WGP) mula sa Tara, Basa! Tutoring Program (TBTP) ng Field Office V-Bicol Region.

Naglalaman ang mga learning kits ng mga bagong lapis, papel, pangkulay (crayons), pambura (eraser) at pangtasa (sharperner) na magagamit ng mga benepisyaryo ng WGP, partikular ng kanilang mga anak, na kasalukuyang papasok sa ikalawang baitang na bahagi rin ng implementing areas ng TBTP sa Daraga, Albay; Bulan, Sorsogon; at Libmanan, Camarines Sur.

Nauna nang nakumpleto ang pamamahagi ng 635 kits sa 51 barangay ng Daraga sa isinagawang food redemption ng WGP noong Hunyo 23 at 25, 2025 habang naipamahagi na rin kahapon, Hulyo 1, ang 262 kits sa 22 barangay ng Libmanan.

Tinatayang aabot naman sa 799 kits ang ipamamahagi sa Bulan at 399 naman sa natitirang mga barangay ng Libmanan, na nakatakdang ipamahagi sa Hulyo 3-4, 2025.

Dagdag pa ito sa buwanang food supply at Nutrition Education Sessions na natatamasa ng mga benepisyaryo ng Walang Gutom Program na higit na makatutulong sa paghubog ng malusog na mamamayang Bicolano lalo na ang mga bata sa nasabing rehiyon.

Source: DSWD Field Office 5-Bicol Region

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *