BPATs mula sa iba’t ibang Bayan ng Cagayan, nakiisa sa Barangay Peacekeeping Operation Seminar sa Enrile

0
viber_image_2025-07-03_10-18-21-068

Nagsama-sama ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) mula sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Cagayan para sa isang matagumpay na Barangay Peacekeeping Operation Seminar and Workshop na isinagawa noong ika-2 ng Hulyo 2025.

Pinangunahan ito ng Enrile Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Major Harold P. Ocfemia, katuwang ang mga opisyal at kinatawan mula sa mga bayan ng Iguig, Peñablanca, Amulung, Tuguegarao, Solana, Sto. Niño, Rizal, Tuao, at Enrile.

Layunin ng naturang seminar na palakasin ang kakayahan at ugnayan ng BPATs sa pagpapanatili ng kaayusan, kaligtasan, at kapayapaan sa kani-kanilang komunidad.

Isa sa mga tampok ng aktibidad ay ang naging talumpati ng panauhing tagapagsalita mula sa Police Community Affairs and Development Unit (PCADU) ng Cagayan Police Provincial Office (CPPO), na nagbahagi ng mahahalagang kaalaman at inspirasyon para sa mga kalahok.

“Sa pamamagitan ng edukasyon, koordinasyon, at kooperasyon, mas pinagtitibay natin ang ugnayan ng kapulisan at mamamayan tungo sa kapayapaan,” saad ng pamunuan.

Patunay ito na sa tulong ng mas pinatibay na kooperasyon sa pagitan ng pulisya at komunidad, mas nagiging matatag ang adhikain para sa isang ligtas at maayos na lipunan.

Source: Enrile PS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *