“District Legacy Project: Bayanihang May Puso”, inilunsad sa Boac, Marinduque

0
viber_image_2025-07-03_11-51-59-238

Matagumpay na inilunsad ang District Kick-Off activity na tinawag na “District Legacy Project: Bayanihang May Puso” na nakapokus sa pagpapatatag ng komunidad ng Puting Buhangin, Boac, Marinduque, na sinimulan nito lamang ika-2 ng Hulyo 2025.

Naisakatuparan ang programa sa pangunguna ng Rotary Club of Marinduque North (RCMN)sa ilalim ng marubdob na pamumuno ng Heart-Working President na si Sheila Mapacpac-Wilhelm. Ang kaganapang ito ay hindi magiging posible kung wala ang napakahalagang suporta at presensya ng Marinduque Police Provincial Office sa pangangasiwa ni PCol Arthur A. Salida, Provincial Director; Marinduque Provincial Community Affairs and Development Unit sa pamumuno ni PMaj Jerome V. Mendiola, Acting Chief, Boac Municipal Police Station; at Philippine Coast Guard.

Tumanggap ng mga kagamitan sa eskwela ang mga benepisyaryo bilang bahagi ng pangako sa Basic Education at Literacy. Ang pagbibigay kapangyarihan sa susunod na henerasyon ay ang sentro ng puso ng programa.

Ang pagtutulungan ng bawat ahensya ay tunay na sumasalamin sa diwa ng “Bayanihan” na maghatid ng tulong at serbisyo sa mga nangangailangang miyembro ng komunidad.

Source: Rotary Club Marinduque North District

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *