Nutrition Month Celebration, isinagawa sa Sofronio Española, Palawan

0
viber_image_2025-07-05_13-45-08-507

Matagumpay at mapayapa ang pagdiriwang ng Nutrition Month Celebration sa Munisipyo ng Sofronio Española, Palawan nito lamang ika-3 ng Hulyo, 2025.

Ang kaganapan ay dinaluhan ng malawak na hanay ng mga kalahok, kabilang ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang Local Government Units at organisasyon.

Dumalo sa pagdiriwang ang mga miyembro ng Sofronio Española MPS, 1st Palawan PMFC, sa pangunguna ni PLt Ma Lucia J. Santos, Platoon Leader; Bureau of Fire Protection (BFP); mga opisyal at empleyado ng munisipyo; opisyal ng barangay, CVHW, CDW, at iba pang pambansang ahensya.

Layunin ng aktibidad na itaas ang kamalayan ng publiko sa kahalagahan ng tamang nutrisyon at malusog na pamumuhay para sa kalusugan ng bawat isa.

Source: 1st Palawan PMFC

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *