Barangay Peacekeeping Operations Seminar and Workshop, isinagawa sa Abulug, Cagayan

0
viber_image_2025-07-06_18-06-19-836

Matagumpay na naisagawa ang Barangay Peacekeeping Operations Seminar and Workshop para sa mga miyembro ng BPATs ng Distrito 2 ng Libertad, Barangay Libertad, Abulug, Cagayan nito lamang ika-4 ng Hulyo 2025.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng PNP Abulog, katuwang ang Local Government Unit, Bureau of Fire and Protection, MDRRMO, MBK-LC at Iba pang stakeholders.

Sa nasabing aktibidad, tinalakay ni PCpl Carl Bryan Cagurungan ang organisasyon at operationalization ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT). Tinalakay naman ni Atty. Sheena G. Usquisa-Binarao ang tungkol sa Human Rights, habang si Atty. Rachelle Ann Guiang ang tumalakay sa Violence Against Women and their Children (VAWC).

Upang mapahusay ang pisikal at mental na kakayahan ng mga miyembro ng BPATs, ang Abulug Police Station ay nagpakita ng mga pangunahing pamamaraan ng pagposas at pag-aresto. Gayundin, tinalakay ni FO2 Reian Paul Ifurung ng BFP at si Ms. Frensita Joy R. Torres ng MDRRMO ang kahalagahan at mga pamamaraan para sa Cardiopulmonary Resuscitation (CPR) at pangunahing pang unang lunas na nagbibigay sa mga kalahok ng mga kasanayan sa pagliligtas ng buhay.

Layunin ng seminar na palakasin ang papel ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan sa loob ng kanilang mga komunidad.

Source: Abulug PS Valley Cops

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *