SCUBASURERO Activity, isinagawa sa Buenavista, Marinduque
Matagumpay na isinagawa ang SCUBASURERO activity alinsunod sa pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month na ginanap sa Recudo Cove, Barangay Yook, Buenavista, Marinduque nito lamang ika-5 ng Hulyo, 2025.
Ang aktibidad ay naisakatuparan sa pagtutulungan ng MDRRM Office sa pangunguna ni Mr. Rino De Villena, MDRRMO at ng mga tauhan ng Marinduque PMFP sa pamumuno ni PCpl Ericson O Lampas, Assistant PCR PNCO.
Layunin nitong mangalap ng mga basura sa ilalim ng dagat at dalampasigan upang mapanatili ang kalinisan ng karagatan at mapalakas ang kamalayan ng komunidad sa kahalagahan ng kalikasan.
Source: Marinduque PMFP