“Kapihan sa Barangay” sa Sto. Domingo, pinangunahan ng bagong Hepe ng Virac PNP

0
viber_image_2025-07-07_15-02-02-582

Pinangunahan ni POLICE MAJOR KENNETH DING C GUTIERREZ, ang bagong talagang Hepe ng Virac Municipal Police Station, ang isinagawang “Kapihan sa Barangay” na ginanap sa barangay hall ng Barangay Sto. Domingo, Virac, Catanduanes noong Hulyo 4, 2025, bandang alas-6:30 ng umaga.

Dinaluhan ang aktibidad ng mga opisyal ng barangay at mga residente, na aktibong nakibahagi sa talakayan.

Layunin ng aktibidad na ito ang makipagdayalogo sa mga mamamayan upang talakayin ang mga pangunahing isyu sa barangay, tumanggap ng mga suhestiyon at hinaing mula sa publiko, at bumuo ng mga konkretong hakbang tungo sa mas ligtas, maayos, at maunlad na komunidad.

Sa kanyang pahayag, binigyang-diin ni PMAJ GUTIERREZ ang kahalagahan ng pakikipagtulungan ng bawat isa:
“Hindi namin makakamtan ang tunay na kapayapaan kung walang kooperasyon mula sa ating mga kababayan. Kaisa ninyo ang inyong kapulisan sa pagtataguyod ng kaayusan at seguridad sa ating komunidad.”

Source: Virac Mps Catppo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *