Awareness Lecture, inilunsad
Inilunsad ang awareness lecture sa Ayala, Zamboanga City nito lamang ika-5 ng Hulyo 2025.
Pinangunahan ng Zamboanga City Police Station 9 sa pamumuno ni Police Major Jovanie G. Julian, Acting Station Commander ng Zamboanga City Police Station 9, at nilahukan ito ng mga residente ng nasabing bayan.
Tinalakay sa isinagawang lecture ang Effective Parenting Enrichment Session, Republic Act No. 9262 o mas kilala bilang Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004, at Online Safety Tips na may temang “Protecting What Matters: Family Safety Awareness.”
Layunin ng nasabing aktibidad na magbigay impormasyon hinggil sa Republic Act No. 9262 o ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 upang maprotektahan ang mga kababaihan at kabataan laban sa anumang uri ng karahasan.