BHW members, nakiisa sa Medical Mission at pamamahagi ng bitamina sa Libon, Albay

0
viber_image_2025-07-08_10-46-31-995

Nakiisa ang mga kasapi ng Barangay Health Workers sa isinagawang medical mission at pamamahagi ng bitamina ng mga tauhan ng 1st Albay Police Mobile Force Company, sa Barangay Molosbolos, Libon, Albay nito lamang July 5, 2025.

Naging matagumpay ang aktibidad sa pamamagitan ng Revitalized Pulis sa Barangay (R-PSB) Team Molosbolos, sa pangunguna ni PCPT Ruben B. Velasco at sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni PLTCOL Jonathan S. Alayan, Force Commander.

Kabilang din sa mga nakibahagi ang mga miyembro ng Barangay Council ng nasabing barangay katuwang ang Jho Health and Wellness Center.

Bahagi ng programa ang pamimigay ng mahahalagang bitamina sa mga residente upang palakasin ang kanilang resistensya at kalusugan.

Layunin ng aktibidad na isulong ang kamalayan sa kalusugan, paigtingin ang seguridad at kagalingan ng mga miyembro ng komunidad, at palakasin ang ugnayan sa pagitan ng PNP at barangay.

Bahagi rin ito ng patuloy na adbokasiya ng R-PSB na bumuo ng tiwala, mapabuti ang relasyon ng pulisya at mamamayan, at positibong makapag-ambag sa holistic na pag-unlad ng nasabing lokalidad.

Source: Albay Police Provincial Office

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *