Clean-Up Drive, isinagawa ng Summer Jobbers at SPES

Isinagawa ang clean-up drive sa Barangay 13, Cagayan de Oro City nito lamang ika-6 ng Hulyo 2025 sa pangunguna ng mga kabataan mula sa Summer Jobber Ko Uy at SPES 2025.

Ang aktibidad ay bahagi ng kanilang serbisyo sa komunidad upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan sa paligid.

Nakalikom ng halos 20 ka sako ng iba’t ibang uri ng basura ang mga kalahok.

Isinagawa ang naturang programa sa tulong ng PESO-CDO, na patuloy na nagbibigay ng oportunidad sa kabataan para makapaglingkod at matuto.

Layunin ng programang ito na hikayatin ang kabataan na makibahagi sa mga positibong gawain para maiwas sa bisyo at maipadama ang kanilang mahalagang papel sa pag-unlad ng komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *