BADAC Meeting, isinagawa sa Zamboanga City

0
515109365_714224738035907_782343430825923425_n

Matagumpay na naisagawa ang Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) Meeting sa Barangay Baluno, Zamboanga City nito lamang ika-7 ng Hulyo 2025.

Pinangunahan ng Regional Community Affairs and Development Division sa pangunguna ni Police Captain Sarah Grace B Marcojos, Chief ng Community Affairs Section (CAS) katuwang ang mga personahe ng Zamboanga City Police Station 9 na pinamumunuan ni Police Major Jovanie G Julian, Acting Station Commander at mga opisyal ng barangay ng Baluno.

Ang nasabing aktibidad ay isinagawa upang talakayin ang mga pamantayan at isyung may kaugnayan sa kampanya laban sa ilegal na droga, at upang magbigay ng suporta at gabay sa BADAC para sa mas epektibong pagtupad ng kanilang mga tungkulin tungo sa isang drug-free na komunidad.

Layon ng nasabing aktibidad na magbigay ng teknikal na tulong at gabay sa mga miyembro ng BADAC upang mapalakas ang kakayahan at koordinasyon sa pagpapatupad ng kanilang mga tungkulin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *