Coordination Meeting, isinagawa sa General Trias, Cavite
Matagumpay ang isinagawang Coordination meeting ng mga iba’t ibang ahensya kasama ang mga tauhan ng General Trias Component City Police Station na pinangunahan ni PLt Baby Jane V. Gamayo, Chief of Operations, sa ilalim ng pamumuno ni PLtCol Bismark S. Mendoza, Officer-In-Charge, nito lamang ika-08 ng Hulyo na ginanap sa Megaworld Maple Grove Showroom, Barangay Tejero, Lungsod ng General Trias, Cavite.
Aktibong nakilahok sa naturang aktibidad ang mga kinatawan mula sa Pamahalaang Lungsod ng General Trias, Motorsiklo Xklusibo Organizing Committee, Gen. Trias Police Station, CDRRMO, BFP, Traffic Management Office, at iba pang mga kaugnay na ahensya.
Isinagawa ang coordination meeting sa pagitan ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng General Trias mga organizers para sa gaganaping aktibidadad na Motorsiklo Xklusibo “Walang Mintis sa Disisais” na nakatakdang ganapin sa Agosto 24, 2025 sa Megaworld Maple Grove, Lungsod ng General Trias.
Ang pangunahing layunin ng pagpupulong ay talakayin ang mga kinakailangang paghahanda, mga permit, seguridad, pamamahala ng trapiko, at mga hakbang sa emergency response upang matiyak ang maayos at ligtas na pagdaraos ng nasabing aktibidad. Ipinakita ng mga organizer ang inaasahang bilang ng mga kalahok, ang panukalang daloy ng programa, at ang mga pangangailangang logistikal.
Sa pamamagitan ng mga ganitong gawain, naitataguyod ang matibay na samahan sa komunidad tungo sa isang mapayapa at maunlad na bayan.