Mag-aaral ng San Manuel High School, nakilahok sa Awareness Lecture

0
515413379_584902661339942_8926981842390181484_n

Aktibong nakilahok ang mga mag-aaral ng San Manuel High School sa isinagawang Anti-Illegal Drugs and Anti-Bullying Awareness lecture ng mga tauhan ng Tarlac City Police Station sa San Manuel Covered Court Tarlac City nito lamang Martes, ika-8 ng Hulyo 2025.

Matagumpay ang naging aktibidad sa pangunguna ni Police Lieutenant Hilda V Duran, Womens and Children Protection Desk Officer ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Rommel M Santos, Chief of Police, Tarlac City Police Station.

Nagbahagi ng kaalaman ang kapulisan sa mga Grade 7, 10 at 11 tungkol sa masamang epekto ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot, mga uri ng bullying, mga karampatang parusa ayon sa batas, at ang kahalagahan ng pag-uulat ng mga insidente sa mga kinauukulan.

Layunin ng aktibidad na mapalawak ang kaalaman ng mga kabataan, at mahikayat silang maging responsable, mapagmatyag, at aktibong makilahok sa pagtataguyod ng isang ligtas at positibong kapaligiran sa paaralan at komunidad.

Patuloy ang pambansang pulisya sa pakikipag-ugnayan sa mga paaralan upang maisulong ang mga programang pangkaalaman na naglalayong protektahan at gabayan ang kabataan laban sa iba’t ibang uri ng karahasan ar pang-aabuso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *