BPATs Lagawe, nakiisa sa Mobile at Foot Patrol ng Lagawe PNP
Nakiisa sa mobile at foot patrol ang mga Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) ng Poblacion East at mga force multipliers katuwang ang mga tauhan ng Lagawe Municipal Police Station (MPS) sa pangunguna ni Police Lieutenant Federico B. Dulnuan, Deputy Chief of Police for Operations nito lamang ika-8 ng Hulyo 2025.
Sa isinagawang foot at mobile patrol, sinuyod ng mga kawani ng pulisya, BPAT’s at Force Multipliers ang mga lugar na kilalang matao, madalas daanan, at itinuturing na crime-prone.
Bahagi ng aktibidad ang pagmamasid sa kahina-hinalang aktibidad, pakikipag-ugnayan sa mga residente, at pagbibigay ng paalala ukol sa kahalagahan ng pakikiisa sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan.
Bukod sa pagbibigay ng seguridad, layunin din ng ganitong aktibidad na iparamdam sa mamamayan ang patuloy na presensya ng pulisya at ang kanilang malasakit sa komunidad.
Ayon kay PLT Dulnuan, ang aktibong partisipasyon ng BPATs at mga force multipliers ay patunay ng matagumpay na kooperasyon ng pulisya at ng barangay sa pagsusulong ng ligtas at maayos na pamayanan.
Layunin ng aktibidad na ito ang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa komunidad, gayundin ang maagap na pag-iwas sa krimen.
Sa kanilang pagpapatrolya, sinuyod ng grupo ang mga lugar na itinuturing na crime-prone at iba pang estratehikong lokasyon upang mapalakas ang presensya ng pulisya at mapigilan ang anumang masasamang elemento.
Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng pinaigting na kampanya ng PNP upang mas mapatatag ang ugnayan ng pulisya at ng komunidad at maisulong ang mas aktibong pamamaraan ng pagpigil sa krimen.

