Crime Prevention Symposium, isinagawa sa Tucdao National High School sa Biliran

Aktibong nakiisa ang mga mag-aaral ng Tucdao National High School sa isinagawang Crime Prevention Symposium ng Kawayan Municipal Police Station na ginanap sa Brgy, Tucdao, Kawayan, Biliran nito lamang Biyernes ika-11 ng Hulyo 2025.

Ang aktibidad ay naglalayong itaas ang kamalayan ng mga mag-aaral sa Senior High School sa mga mahahalagang isyu tulad ng Anti-Bullying at ang mga mahahalagang probisyon ng Republic Act 9344 o ang Juvenile Justice and Welfare Act of 2006.

Ito ay alinsunod sa adbokasiya para sa mas ligtas na mga paaralan. Namahagi rin ng mga flyers upang higit pang isulong ang kamalayan at responsableng pag-uugali sa mga mag-aaral.

Ang inisyatiba ay sumasalamin sa patuloy na pangako ng Kawayan MPS sa pakikipag-ugnayan sa komunidad at proteksyon ng kabataan sa pamamagitan ng aktibong edukasyon at pakikipagtulungan sa mga institusyong pang-akademiko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *