Barangay Peacekeeping Action Team ng Quirino, sumailalim sa pagsasanay
Sumailalim sa isang pagsasanay ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPATs) nitong Hulyo 10, 2025 sa Eco Park Barangay Cardenas, Saguday, Quirino.
Naging sentro ng aktibidad ang pagsasanay at pagtuturo ng mga kahandaan sa sakuna at kalamidad na napapanahon ngayong panahon ng tag-ulan.
Layunin ng programa na palawigin ang ugnayan at pagtutulungan ng Kapulisan, Advocacy Support Groups, at ng Komunidad sa pagtataguyod ng kapayapaan at kaayusan sa rehiyon.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Police Colonel Paul Y Gamido, Provincial Director ng Quirino Police Provincial Office, ang kahalagahan ng tungkulin ng bawat miyembro ng BPATs sa ating komunidad.
Samantala, nagpahayag naman ng buong suporta ang Lokal na Pamahalaan ng Aglipay sa mga kalahok at pinuri ang kanilang dedikasyon sa kanilang pagtulad ng tungkulin bilang kaagapay ng kapulisan sa pagpapanatili ng kapayapaan.
Source: Quirino Police Provincial Office