Youth Sector, aktibong nakibahagi sa Tree Planting Activity sa Lacub, Abra

Aktibong nakibahagi ang mga mag-aaral at kabataan sa isang tree planting activity bilang bahagi ng pagdiriwang ng Police Community Relations Month, National Disaster Resilience Month, at Cordillera Month na isinagawa sa Sitio Tangeb, Poblacion, Lacub, Abra nito lamang Hulyo 11, 2025.
Pinangunahan ang aktibidad ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) – Abra katuwang ang Lokal na Pamahalaan, Lacub Municipal Police Station, 24th Infantry Battalion, 7ID, Philippine Army, mga mag-aaral mula Our Lady of Guadalupe School at Alfredo D. Bersamina National High School, at ang sektor ng kabataan sa pangunguna ng SK Federation President.
Umabot sa 500 punla ng mga namumungang puno ang naitanim sa lugar.
Ang aktibidad na ito ay sumisimbolo sa sama-samang pagtugon ng mga ahensya ng gobyerno, kabataan, at mamamayan para sa pangangalaga sa kalikasan, katatagan sa harap ng sakuna, at pangmatagalang kaunlaran.

