FNKN, nagsagawa ng Community Outreach Program para sa Tribung Magbukun
Sa isang makabuluhang hakbang ng pagtutulungan at malasakit, isinagawa ng Foreign National Keepers Network (FNKN) – Bataan Chapter, ang Community Outreach Program para sa mga katutubong kasapi ng Tribung Magbukun sa Sitio Matalangao, Barangay Banawang, Bagac, Bataan nito lamang Sabado, ika-12 ng Hulyo 2025.
Pinangunahan ng FNKN President na si G. Syed Shabir Ali, katuwang ang mga tauhan ng Bataan Provincial Police Office sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Marites A Salvadora.
Matagumpay na naipamahagi ang mga grocery packages at school supplies sa mga bata, isang konkretong tugon sa mga agarang pangangailangan at isang hakbang tungo sa pagpapalakas ng kanilang edukasyon.
Ang FNKN ay nagsisilbing mahalagang katuwang ng kapulisan sa mga programang pang-komunidad. Sa aktibong partisipasyon, patuloy pinapatunayan ang dedikasyon sa pagtulong sa mga mamamayan ng Bataan at patunay ng sama-samang pagkilos tungo sa pagkakapantay-pantay, edukasyon, at paggalang sa kultura.

