Coastal Clean-Up at pamamahagi ng Dental Kits, isinagawa sa Laoag City, Ilocos Norte

Matagumpay na isinagawa ang Coastal Clean-Up Activity at pamamahagi ng dental kits sa Barangay 60-A, Laoag City, Ilocos Norte noong Hulyo 13, 2025 bilang bahagi ng pagdiriwang ng 30th Police Community Relations (PCR) Month na may temang “Sa Bagong Pilipinas, Ang Gusto ng Pulis, Ligtas Ka!”

Pinangunahan ang aktibidad ng mga mag-aaral mula sa Police Community Academy ng Data Center College of the Philippines, katuwang ang Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT), League of Rescuer’s, mga opisyal ng barangay, BPATs, at mga residente ng nasabing barangay.

Katuwang sa nasabing programa si Punong Barangay Adelboy Quinto at ang mga kapulisan ng Laoag City Police Station na pinangungunahan ni PCpt Rogeline O. Ibe, SCAD Officer, sa ilalim ng superbisyon ni PLtCol Andrew P. Rabang, Hepe ng Pulisya ng Laoag.

Layunin ng aktibidad na mapalaganap ang kamalayan ukol sa pangangalaga ng kalikasan at mahikayat ang mga mamamayan, lalo na ang kabataan sa pagpapanatili ng malinis na kapaligiran at wastong personal na kalinisan. Matapos ang paglilinis ng dalampasigan, isinagawa ang pamamahagi ng dental kits upang palaganapin ang kahalagahan ng tamang oral hygiene.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *