Symposium kontra bullying, isinagawa sa Santiago Integrated School sa Iriga City, Camarines Sur

0
viber_image_2025-07-14_14-00-14-976

Matagumpay na isinagawa ang isang symposium kontra bullying sa Santiago Integrated School ng nasabing lungsod noong Hulyo 11, 2025, sa temang “Be a Buddy, Not a Bully.”

Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ng mga mag-aaral mula sa sekondarya at mga guro. Naging pangunahing tagapagsalita si PMSg Lovely Joy M Reodique, FJGAD PNCO at Women and Children Protection Desk (WCPD) Investigator ng Iriga City Police Station, sa ilalim ng pangangasiwa ni PLTCOL Jabesh N Napolis, Chief of Police ng Iriga City.

Ibinahagi ni PMSg Reodique ang mahahalagang kaalaman ukol sa Anti-Bullying Policy ng paaralan, pati na rin ang mga legal na aspeto, epekto, at hakbang upang labanan at maiwasan ang bullying sa mga paaralan. Pinaalalahanan niya ang mga estudyante tungkol sa kahalagahan ng paggalang sa kapwa, pagiging responsableng kabataan, at pagiging mabuting kaibigan sa halip na manakit o manlamang ng iba.

Layunin ng symposium na palalimin ang kaalaman ng mga mag-aaral sa sekondarya hinggil sa Anti-Bullying Policy ng paaralan at sa mga legal na aspeto na may kaugnayan sa bullying

Source: Irigacps Iriga

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *