Community Outreach Program, isinagawa sa ZamboNorte

Matagumpay na naisagawa ang isang community outreach program sa Manil Elementary School, Leon B Postigo, Zamboanga del Norte nito lamang ika-14 ng Hulyo 2025.

Pinangunahan ni Hon.Runie O Jamora, Mayor ng nasabing bayan sa pakikiisa ng Leon B Postigo Municipal Police Station na pinamumunuan ni Police Major Anjelo Am D. Acuzar, Acting Chief of Police ng Leon B Postigo Municipal Police Station at mga guro ang nasabing aktibidad.

Ang programa ay naisagawa ng maayos at matagumpay na nakapag-bigay ng tuwa sa humigit kumulang na 100 batang nabigyan ng pagkain.

Bukod pa dito, naisagawa rin ang isang information dissemination ukol sa mga batas na may kinalaman sa Gender and Development (GAD) at iba pang mga paalala hinggil sa pag-iwas sa krimen, partikular ang Anti-Bullying Act.

Magpapatuloy ang mga outreach programs at iba pang kaparehong aktibidad bilang bahagi ng tapat na paglilingkod sa mamamayan.

Layunin ng programa na magbigay ng inspirasyon at proteksyon sa kabataan, upang maiwasan ang anumang uri ng karahasan, pambu-bully, at diskriminasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *