KADIWA, isinagawa sa Romblon

Nagsagawa ng KADIWA ang Macalas-Tambac-Ilauran-Lamao-Calabogo-Agbaluto Vegetable Association sa Romblon Police Provincial Office nito lamang Hulyo 14, 2025.

Ang aktibidad na ito ay pinangunahan ng Municipal and Regional Agriculture Offices at ng Farmer Cooperatives and Associations (FCA), kasama ang mga kapulisan ng Romblon PPO sa panghihikayat ng mga mamimili at tagapagpanatili ng katahimikan sa naturang aktibidad.

Layunin ng aktibidad na ito na ang bawat miyembro ng komunidad ay magkaroon ng access sa sariwa at murang gulay habang sinusuportahan ang ating mga local farmers.

Ito ay nagpapakita na ang ating mga kapulisan ay may malasakit hindi lang sa seguridad, kundi pati na rin sa magandang kalusugan ng ating mga kababayan.

Source: Romblon PPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *