Launching of PROJECT LIGTAS, matagumpay na isinagawa sa Divilacan, Isabela
Matagumpay na isinagawa ang Launching ng PROJECT LIGTAS (Laban sa Illegal na Gamit, Terorismo At Sama ng Loob) sa Community Center, Barangay Dimapula, Divilacan, Isabela nito lamang ika-14 ng Hulyo, 2025.
Nakiisa ang Municipal Police Station sa pamumuno ni PLt Edward Curamenv, Deputy Chief of Police, katuwang ang Divilacan National High School sa pangunguna ni Gng. Marrian Perucho, Teacher III, at ang Pamahalaang Bayan ng Divilacan na kinatawan ni G. Zaldy Celeste para kay Punong Bayan Hon. Florita C. Bulan.

Tinalakay sa nasabing aktibidad ang tungkol sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002), Anti-Terrorism Awareness, Mental Health Awareness, RA 7610 / VAWC (Violence Against Women and Children) at Anti-Bullying.

Upang lalong mapasigla ang mga kalahok, isinagawa rin ang mga paligsahan gaya ng parlor games, poster making, at slogan contest na nagtampok ng pagkamalikhain at mensaheng makabuluhan para sa kabataan.
Nasa 200 kabataang mag-aaral mula Grade 9 hanggang Grade 12 ng Divilacan National High School ang nakilahok sa nasabing aktibidad.
Layunin ng PROJECT LIGTAS na palakasin ang kaalaman at kamalayan ng mga kabataan ukol sa masamang epekto ng ilegal na droga, banta ng terorismo, karahasan, mental health issues, at pang-aabuso. Higit sa lahat, isinusulong nito ang pagkakaisa, disiplina, at positibong pagpapahalaga sa lipunan.