LNB Mobile Meeting, isinagawa sa Maguindanao del Norte
Isinagawa ang Liga ng mga Barangay (LNB) Mobile Meeting sa Barangay Renede, Upi, Maguindanao del Norte nito lamang ika-14 ng Hulyo 2025.
Ito ay pinangunahan ni Honorable Datumin Laguilam, ABC President katuwang ang 23 Barangay Chairpersons ng naturang lugar, Philippine Army at mga personahe ng Upi Municipal Police Station.
Ibinida sa naturang pagpupulong ang Barangay Reports; Peace and Order Updates; at iba pang mga usapin patungkol sa pamamahala sa barangay.
Layunin ng mahalagang pagpupulong na ito na pagtibayin ang ugnayan ng lokal na kapulisan, militar, at mga pinuno ng barangay, gayundin upang maisaayos ang mga hakbangin para sa kapayapaan at kaayusan at matiyak ang maayos na transisyon ng pamumuno.

