Maripipi LGU, nakiisa sa school-based symposium sa Viga National High School sa Biliran

Nakiisa ang Local Government Unit ng Maripipi sa idinaos na school-based symposium sa Viga National High School kasama ang kapulisan na ginanap sa Brgy. Viga, Maripipi, Biliran nito lamang Hulyo 11, 2025.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Hon. Joseph C Caingcoy, Municipal Mayor kasama ang mga tauhan ng Maripipi Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Captain Rodolfo E De mesa, Chief of Police katuwang ang Regional Medical and Dental Unit 8 sa pangunguna ni Police Colonel Ma. Cristina Z Rebellon, Chief, RMDU 8.

Tinalakay sa aktibidad ang iba’t ibang alalahanin na may kaugnayan sa kalusugan ng kabataan, bilang panghihikayat sa mga mag-aaral na magkaroon ng maayos at malusog na pamumuhay na sinundan ng pamimigay ng dental kits sa mga estudyante.

Ang aktibidad ay idinaos alinsunod sa pagdiriwang ng Police Community Relations (PCR) Month at bahagi rin ng patuloy na Project Hiyom “Ngiting Balik-Eskwela”, ng RMDU 8, isang outreach campaign na nagtataguyod ng kalusugan at kalinisan sa mga mag-aaral.

Ang inisyatiba ay sumasalamin sa pangako ng Philippine National Police (PNP) na palakasin ang pakikipagtulungan ng pulisya-komunidad sa pamamagitan ng edukasyon, health promotion, at preventive awareness.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *