La Patria de Caballeros Eagles Club at Balete PNP, nagsagawa ng Community Outreach sa Aklan

0
viber_image_2025-07-21_13-45-14-774

Bilang bahagi ng selebrasyon ng ika-30 Police Community Relations (PCR) Month na may temang “Sa Bagong Pilipinas, Ang Gusto ng Pulis: Ligtas Ka!”, isang makabuluhang community outreach activity ang isinagawa sa Barangay Fulgencio Sur, Balete, Aklan nito lamang ika-19 ng Hulyo, 2025.

Ang programang pinamagatang “Bola ng Pag-asa, Gabay ng Agila” ay isinagawa sa inisyatiba at pangunguna ng La Patria de Caballeros Eagles Club Western Visayas Region 6 ng Fraternal Order of Eagles – Philippine Eagles, Inc., katuwang ang Balete Municipal Police Station sa pamumuno ni PCPT Donie F Magbanua at mga mamamayan sa nasabing barangay.

Binigyang-diin sa aktibidad ang pagkakaisa ng civil society groups at community stakeholders upang makabuo ng mga positibong inisyatibo para sa kabataan.

Ang nasabing aktibidad ay nakatuon sa mga kabataang mahilig sa larong basketball, kung saan tinuruan sila ng mga batayang kaalaman sa nasabing isport.

Bukod sa pagpapasigla ng pisikal na aktibidad, layunin ng programa na palaganapin ang disiplina, pagtutulungan, at sportsmanship sa mga kabataan bilang pundasyon ng isang matatag na komunidad.

Isinabay rin sa outreach ang isang feeding program na lubos na pinasalamatan ng mga magulang at residente ng barangay.

Ipinamalas ng La Patria de Caballeros Eagles Club at ng kapulisan ang kanilang taos-pusong pakikiisa sa mga gawain para sa kapakanan ng komunidad.

Ang ganitong klase ng pagtutulungan ay patunay na sa likod ng bawat matagumpay na gawain ay may matibay na pagkakaisa para sa kabutihan ng lahat. Sa pamamagitan ng tulong-tulong na pagkilos, napapalaganap ang malasakit at responsableng partisipasyon sa paghubog ng ligtas at maunlad na komunidad.

Source: BALETE MUNICIPAL POLICE STATION FB PAGE

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *