Skills Enhancement Training Seminar para sa Barangay Peacekeepers, isinagawa sa Iriga City
Matagumpay na isinagawa ang Skills Enhancement Training Seminar para sa mga Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATS) o Barangay Tanod ng Brgy. San Roque, Iriga City, nitong Hulyo 19, 2025.
Ang aktibidad ay isinagawa sa Volume Grill and Resto Bar, Brgy. San Roque, Iriga City, sa pangunguna ni PLTCOL Jabesh N. Napolis, Chief of Police ng Iriga City Police Station.
Tinalakay ni PCMS Salvador B Ampongan Jr., Public Community Affairs and Development (PCAD) PNCO ng Iriga City Police Station, ang mahalagang konsepto ng citizen’s arrest, kabilang ang mga legal na batayan at tamang paraan ng pagdakip.

Bukod dito, ipinakita rin niya ang wastong teknik ng pagposas, upang masiguro ang kaligtasan ng parehong peacekeeper at ng inaaresto. Samantala, si Pat Jeffrey C Imperial naman ay nagpakitang-gilas sa pamamagitan ng demonstrasyon ng 12 Basic Strikes ng Arnis, isang mahalagang aspeto ng self-defense at disarming techniques, na maaaring gamitin ng mga tanod sa aktwal na sitwasyon.
Layunin ng seminar na mapaigting ang kakayahan, kaalaman, at kahandaan ng mga barangay tanod sa pagtupad ng kanilang tungkulin bilang katuwang ng kapulisan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad.
Source: Irigacps Iriga