SPAG Caraga, nakiisa sa Consultative Forum Kontra Fake News

0
received_1059968796230915

Aktibong nakiisa ang Salaam Police Advocacy Group (SPAG) Caraga sa isinagawang Consultative Forum na may temang “War on Truth: Anti-Fake News” noong Hulyo 22, 2025 sa PRO-13 Multi-Purpose Center, Camp Col. Rafael C. Rodriguez, Brgy. Libertad, lungsod ng Butuan.

Ayon kay Regional President Rey C. Murillon, ang forum ay may layuning palakasin ang ugnayan ng iba’t ibang sektor sa paglaban sa pagkalat ng maling impormasyon, panlilinlang, at mapanirang balita.

Dumalo sa pagtitipon ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang sektor ng pamahalaan, civil society organizations, at faith-based groups upang pag-usapan ang kahalagahan ng katotohanan sa gitna ng tumitinding hamon ng fake news sa makabagong panahon.

Sa kanyang pahayag, muling tiniyak ni Rey C. Murillon, ang buong suporta ng SPAG Carga sa kampanya ng Philippine National Police para sa pagpapalaganap ng tamang impormasyon at edukasyong pampubliko.

Aniya, mahalaga ang aktibong papel ng mga organisasyong sibiko at panrelihiyon upang mapanatili ang katotohanan at kapayapaan sa lipunan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *