BPATs sa Masbate, sumailalim sa Skills Enhancement Training

0
viber_image_2025-07-26_15-48-43-931

Bilang bahagi ng selebrasyon ng ika-30 Police Community Relations (PCR) Month na may temang “Sa Bagong Pilipinas ang Gusto ng Pulis, Ligtas Ka!”, matagumpay na isinagawa ang Skills Enhancement Training para sa mga kasapi ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) ng Brgy. Pawican, Cataingan, Masbate noong Hulyo 22, 2025 sa Brgy. Pawican Covered Court.

Ang programa ay aktibong dinaluhan ng mga opisyal ng barangay, mga tanod, at mga barangay health workers, sa pangunguna ni Hon. Jaime B. Aplacador III, Punong Barangay ng Brgy. Pawican.

Pinangunahan ang naturang gawain ng mga tauhan mula sa Cataingan Municipal Police Station, sa pamumuno ni PCMS Lucer A. Orcales, Chief Investigator, sa ilalim ng direktang superbisyon ni PMAJ Joven Louis V. Ondivilla, Officer-in-Charge ng himpilan.

Katuwang sa nasabing pagsasanay ang Masbate 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) na pinangungunahan naman ni PCpl Jey Ann Hermosa, at ang Land Transportation Office (LTO)–Cataingan, sa pamumuno ni Connie L. Mamites.

Layunin ng pagsasanay na higit pang mapaunlad ang kaalaman at kakayahan ng mga BPATs, Barangay Tanod, at Barangay Health Workers sa pagtugon sa mga isyu ng kapayapaan at seguridad sa kanilang komunidad.

Kabilang sa mga tinalakay sa training ang mga pangunahing kaalaman sa peacekeeping, community safety, at inter-agency coordination na mahalagang sangkap sa pagpapanatili ng kaayusan sa barangay.

Ang matagumpay na pagsasagawa ng aktibidad ay nagpapakita ng matibay na ugnayan sa pagitan ng kapulisan, lokal na pamahalaan, at mamamayan—isang mahalagang hakbang tungo sa mas ligtas at mas progresibong Bagong Pilipinas.

Source: Cataingan Mps Masbate Ppo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *