Company Advisory Group, nagbigay ng kagamitan para sa Search and Rescue ng 2nd Cagayan PMFC

0
viber_image_2025-07-26_14-08-52-943

Bilang tugon sa patuloy na pangangailangan ng mas mabilis at epektibong pagresponde sa panahon ng sakuna, muling ipinamalas ng Company Advisory Group ang kanilang suporta sa kapulisan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga karagdagang kagamitan para sa Search and Rescue (SAR) operations ng 2nd Cagayan Provincial Mobile Force Company (PMFC) noong ika-24 ng Hulyo 2025.

Pinangunahan ni G. Gilbert C. Chan, Vice President for Internal Affairs ng nasabing grupo, ang personal na pag-abot ng donasyon sa yunit. Ang mga kagamitang ito ay inaasahang lalong magpapalakas sa kakayahan ng kapulisan na tumugon sa mga kalamidad partikular na ngayong panahon ng tag-ulan, pagbaha, at bagyo, kung saan mas kritikal ang mabilis at organisadong operasyon ng mga tagapagsagip.

Lubos naman ang pasasalamat ni Police Major Jefferson D. Mukay, Force Commander ng 2nd Cagayan PMFC, kay G. Chan sa patuloy nitong pagtugon at pakikiisa sa layunin ng PNP na mapanatili ang kaligtasan at kapakanan ng bawat mamamayan.

Ang hakbanging ito ay patunay ng matibay na ugnayan ng kapulisan at pribadong sektor sa pagsusulong ng seguridad, kaligtasan, at serbisyo para sa komunidad.

Source: 2nd Cagayan PMFC

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *