Preventing and Countering Violent Extremism (PCVE) Seminar, isinagawa sa Bohol
Matagumpay na nag-organisa ng Preventing and Countering Violent Extremism (PCVE) Seminar ang mga kasapi ng SPAG Talibon at Trinidad Chapters nito lamang July 24, 2025 sa Covered Court, Barangay San Isidro, Talibon, Bohol.
Nanguna sa nasabing seminar si Bro. Abdulmalik C. Avenido at Bro. Amir Jose Louis M. Villegas na dinaluhan naman ng mga tauhan ng Talibon Municipal Police Station.
Dumalo rin sa nasabing aktibidad ang mga opisyal ng barangay sa pangunguna ni Hon. Martin Mendoza, Barangay Chairman ng San Isidro, kasama ang mga Barangay Health Workers (BHW) at mga Barangay Tanod.
Binigyang-pansin sa pagtitipon ang pagbibigay ng tamang kaalaman ukol sa terorismo, at kung paanong ang kamalayang pangkultura at pangrelihiyon ay makatutulong upang mapanatili ang pagkakaisa at katahimikan sa pamayanan.
Layunin ng aktibidad na ito na itaguyod ang kapayapaan, palalimin ang pag-unawa sa kultura at relihiyon, at pagtibayin ang ugnayan sa pagitan ng PNP at mga miyembro ng komunidad.
Sa pamamagitan ng seminar, naipaliwanag ang mga mahahalagang konsepto patungkol sa marahas na extremism at kung paano ito maiiwasan. Isa rin itong hakbang upang mapalawak ang kaalaman ng mga mamamayan tungkol sa mga aral at pagpapahalaga ng Islam.